^

Probinsiya

2 MILF rebs nilikida ng mga kabaro

-
CAMP AGUINALDO – Dalawang rebeldeng Moro Liberation Front (MILF) ang iniulat na napaslang makaraang pagbabarilin ng kanilang kabarong rebelde dahil sa matinding pagtatalo noong Sabado sa bayan ng Pikit, North Cotabato, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang mga napaslang na sina Pakil Ayunan, kumander ng Special Operations Group ng MILF at miyembro ng Pentagon kidnap-for-ransom na siyang responsable sa 50 kidnapping sa Mindanao habang inaalam pa ang pagkikilanlan ng isa pa nitong tauhan.

Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, naitala ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga matapos na magtungo sa bahay ni Ayunan ang limang ’di-kilalang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang kasamahan din nito sa Barangay Gocotan.

Nabatid kay Col. Pedro Soria, commander ng Philippine Army 602nd Infantry Brigade (IB), tinangka pang umawat ng isang kasama ni Ayunan, subalit pinagbabaril din ito ng lima hanggang sa mamatay.

Samantala, itinanggi naman ni Eid Kabalu, spokesman ng MILF na kasapi nila si Ayunan dahil matagal na itong tinanggal ng grupo sa samahan, dinagdag pa nito na hindi mga rebelde ang pumatay dito kundi militar.

Ayon naman sa military, si Ayunan ay matagal nang pinaghahanap ng batas at may patong na P.5 milyon sa ulo dahil sa pagkakasangkot nito sa napakaraming kaso ng kidnapping kabilang ang pagdukot at pagpatay sa 5 inhinyerong Tsino at guide na Pinoy noong Mayo 2001. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AYUNAN

BARANGAY GOCOTAN

CAMP AGUINALDO

EDWIN BALASA

EID KABALU

INFANTRY BRIGADE

MORO LIBERATION FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with