3 sibilyan binitay sa NPA kangaroo court
March 24, 2007 | 12:00am
CAMP AGUINALDO  Tatlong lalaki ang dinukot at pinatay umano ng New People’s Army habang isa naman ang nakatakas na naging dahilan ng pagkakatunton at pag atake ng militar sa kuta ng NPA sa Brgy Lajong, Lubang, Sorsogon noong Miyerkules.
Iprinisinta ng militar sa media kahapon sa Camp Aguinaldo ang nakatakas na biktimang si Jesus Lasala 42, residente ng Sitio Jagusara, Brgy. Lajong. Isa umano siya sa apat na sibilyang dinukot ng NPA kangaroo court executioner sa pamumuno ni Allan Villareal alyas Ka Roy noong Marso 17 sa nasabing bayan.
Sinabi ni Lasala na dinukot siya ng NPA dahil sa hinalang may ginahasa siya pero iginiit niya na hindi ito totoo.
Pagdating nila sa kampo ng NPA sa Sitio Belwang ng nasabing barangay, inihalubilo siya sa iba pang bihag ng mga rebelde na kinilala lang niya sa palayaw na Marlon, Bunso at Arnol na naakusahang magnanakaw ng lambat.
Sinabi pa ni Lasala na isa-isang pinaliguan ang tatlo niyang kasamahan bago pinatay ang mga ito.
Takda na rin sanang pa tayin si Lasala noong Marso 21 pero nagawa niyang makatakas noong gabi ng Martes hanggang sa matiyempuhan niya ang mga tauhan ng 2nd Infantry Batallion ng militar na siya namang umatake sa kampo ng NPA. Nasawi sa engkuwentro si Villareal. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
8 hours ago
Recommended