^

Probinsiya

Date ng magsyota natigmak ng dugo

-
Natigmak ng dugo ang tagpuan at pagdi-"date" ng binatilyong si Mark de Belen, 17, estudyante ng Dual Technology at ng nobya niya sa likod ng isang simbahan sa Canlubang, Calamba, Laguna nang salakayin sila ng apat na hinihinalang drug addict kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ama ni de Belen na si Mario, masayang naglalakad ang kanyang anak at ang nobya nito na itinago ang pangalan sa likod ng St. Joseph Church nang magtangkang lapitan sila ng apat na di-kilalang lalaki.

Dahil sa takot, tumakbo palayo ang magkasintahan hanggang sa maabutan sila ng mga suspek sa isang madilim na lugar. Isa sa mga salarin ang bumunot ng patalim at inundayan ng saksak si de Belen hanggang sa duguang humandusay ito sa lupa.

Namatay ang binatilyo dahil sa sugat na tinamo sa mukha. Walang ibang saksi sa krimen maliban sa nobya ni de Belen na tulala pa rin sa pangyayari habang isinusulat ito. (Ed Amoroso)

vuukle comment

AYON

BELEN

CALAMBA

CANLUBANG

DAHIL

DUAL TECHNOLOGY

ED AMOROSO

ISA

MARIO

ST. JOSEPH CHURCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with