Nueva Ecija bilang ‘areas of immediate concern’
March 12, 2007 | 12:00am
CABANATUAN CITY, Nueva Ecija – Tatlo sa limang lungsod sa Nueva Ecija at isang munisipalidad na pinaniniwalaang may maganap na madugong kaguluhan ang nasa talaan ng PNP bilang "areas of immediate concern" na May 14 elections.
Ayon kay P/Senior Supt. Allen Bantolo, police provincial director, kabilang sa mga lungsod na tinukoy ay ang Gapan City, Science City of Muñoz, Cabanatuan City at ang Jaen na nasa katimugang bahagi ng nabanggit na lalawigan.
Sa ulat na isinumite sa kay P/Chief Supt, Ismael Rafanan, PNP Region 3 director, sinabi ni Bantolo na ang mga nabanggit na lugar bilang "areas of immediate concern" dahil sa kasalukuyan at nakaraang 2004 elections na sumiklab ang serye ng bayolenteng krimen na may kaugnayan sa politika.
Ayon kay P/Supt. Magno Biag, deputy provincial director, for operations, ang munisipalidad ng Gapan ay kabilang sa talaan ng "areas of immediate concern" dahil sa kaguluhang naganap sa Pascual Cockpit Arena noong Marso 2, 2006 at ang tangkang pananambang laban kay Councilor Elpidio Rueda na kaalyado ni Mayor Ernesto Natividad noong Disyembre 20, 2006.
Limang sibilyan ang napatay sa kaguluhang naganap na kinasasangkutan ng 10-armadong kalalakihan ng nasabing sabugan na pag-aari ni Rodrigo "Boy" Pascual, kilalang mahigpit na karibal sa politika ni Mayor Natividad.
Kabilang sa mga napatay ay ang dalawang anak ni Pascual na sina Ericson at Ebertson, Dr. Juanito Reyes, Jessie Opable at Carino Saning.
Nakapaloob din sa talaan ng PNP, ang Cabanatuan City dahil sa dalawang insidente ng karahasan noong Enero 2004 na kinabibilangan ng tatlong sibilyang sinunog sa Poncing Restaurant sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Sumacab Este noong Enero 18, 2006.
Napag-alamang pag-aari ni Poncing Dela Cruz ang nasabing restorant na kilalang supporter ni Sta. Rosa Mayor Marlon Marcelo at ang pagpapasabog ng Royce Suzuki Motorcycle Display Center sa Brgy. Hermogenes Concepcion noong Enero 10, 2004.
Sa bayan ng Jaen ay napasama sa "areas of immediate concern" dahil sa tumitinding pagsasagupa ng magkalabang politikong sina ousted Mayor Antonio Prospero Esquivel at acting Mayor Santiago Austria. (Manny Galvez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest