^

Probinsiya

Jueteng lumarga sa Isabela

-
ISABELA — Habang palapit ang mid-term eleksyon sa Mayo 14, lalo namang lumalarga ang operasyon ng jueteng sa iba’t ibang bayan sa Isabela maging sa mga coastal area na dati’y hindi pinapasok ng nasabing illegal na sugal.

Ayon sa ulat na nakuha ng PSN, umaabot sa P15 milyon ang koleksyon ng mga kubrador bawat araw dahil sa pinalawak ng mga jueteng operator ang kanilang operasyon.

Lumalabas na ang mga bolahan ng jueteng ay ginagawa sa ilang bahagi sa Santiago City, fourth district; Cauayan City sa ikatlong distrito; bayan ng Roxas para sa second district at Mallig region at ang kabisera ng Isabela para naman sa first district.

Inamin naman ng isang kubrador na tumaas sa 100 porsyento ang kanilang koleksyon dahil na rin sa suporta ng mga tumataya sa nasabing sugal.

Samantala, pinulong naman ni Cagayan Valley police director Chief Superintendent Ameto Tolentino, kamakailan ang kanyang limang provincial police directors upang pag-usapan ang sitwasyon ng buong rehiyon kabilang na ang operasyon ng jueteng lalo na sa Isabela.

Naniniwala naman ang ilang mga residente rito na hindi na kayang mapatigil ng provincial government ang operasyon ng jueteng lalo na sa panahong malapit na ang eleksyon. (Victor Martin)

vuukle comment

AYON

CAGAYAN VALLEY

CAUAYAN CITY

CHIEF SUPERINTENDENT AMETO TOLENTINO

ISABELA

SANTIAGO CITY

VICTOR MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with