Misis pinatay ng sariling mister
February 26, 2007 | 12:00am
CAMP AGUINALDO  Pinaniwalaang matinding selos ang nag-udyok sa isang Briton na paslangin ang sariling misis na Taiwanese sa isang beach resort sa Boracay Island, Malay, Aklan, kamakalawa.
Nabasag ang bao ng ulo at walang buhay na narekober ng mga awtoridad ang bangkay ni Fu Chia-ning, 43.
Boluntaryo namang sumuko sa pulisya ang suspek na si Carl Andrew Foster, 40, may postal address sa 9th Floor 131 Section 6 Minyuane Road, Neiki District, Taipei City.
Lumalabas sa ulat ng pulisya, naitala ang krimen ganap na alauna y medya ng madaling-araw sa Casa Pilar Beach Resort sa nasabing pamosong isla ng Aklan na dinarayo ng mga turista.
Napag-alamang ilang oras matapos maganap ang krimen ay nagtungo mismo si Foster sa himpilan ng pulisya ang suspek at ipinagbigay alam ang insidente.
Base naman sa pahayag ng ilang mga staff sa resort bago ang krimen ay nakarinig sila ng mainitang pagtatalo at kalabugan sa silid ng cottage na tinutuluyan ng mag-asawang turista.
Nang magresponde ang mga awtoridad sa nasabing resort ay natagpuan ang bangkay ng biktima na duguan ang ulo sa gitna ng kama.
Nahaharap ngayon sa kasong parricide ang nasabing Briton habang patuloy ang imbestigasyo sa kasong ito upang mabigyang linaw ang insidente. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest