^

Probinsiya

Sulyap Balita

-
2 kawani kinatay ng kawatan
DARAGA, Albay — Dalawang kawani ng pribadong kompanya ang iniulat na nasawi makaraang pagtulungang saksakin ng mga di-kilalang kalalakihan na nanloob sa binabantayan ng mga biktimang VCD shop sa gusali ng Baylon sa bayan ng Daraga, Albay kamakalawa ng gabi.

Duguang nakahandusay dahil sa maraming sugat sa katawan likha ng patalim nang matagpuan ang mga bangkay nina Jeorge Navarra, 25, ng Barangay Ramay, Oas, Albay at Janet Estrella, 25, ng Barangay Bibingcahan, Sorsogon City. May teorya ang pulisya, na ang dalawang kawani ng Videoman Rental Store ay pinaslang matapos na pasukin ang shop saka nilimas ang ilang ari-arian. (Ed Casulla)
Pulis-Quezon pinabulagta
CAMP VICENTE LIM, Laguna — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 46-anyos na pulis-Quezon ng mga ’di kilalang kalalakihan sa harapan ng bahay ng kanyang mga magulang sa Barangay San Juan, Calamba City, Laguna kahapon ng umaga. Napuruhan sa likurang bahagi ng katawan ang biktimang si SPO2 Rodolfo "Bayi" Hizon ng LE Village, Barangay Linga, Calamba City at nakatalaga sa Quezon Police Provincial Office.

Ayon kay P/ Supt. Rolan Bustos, hepe ng pulisya sa Calamba City, pawang mga tinedyer ang bumanat sa biktima bago palakad na tumakas na animo’y walang isinagawang krimen bandang alas-7 ng umaga. Nakarekober ang mga pulis ng 6 na basyo ng caliber 9mm at 3 basyo ng caliber .45. (Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

vuukle comment

ALBAY

ARNELL OZAETA

BARANGAY BIBINGCAHAN

BARANGAY LINGA

BARANGAY RAMAY

CALAMBA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with