^

Probinsiya

Kawani ng DA dedo sa ambush

-
CAMP MIGUEL MALVAR, Batangas — Patay agad ang isang 52-anyos na kawani ng Department of Agriculture (DA) matapos na tambangan ng mga armadong kalalakihan sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Laiya Ibabaw sa bayan ng San Juan, Batangas noong Lunes ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Supt. Prudencio Banas, Batangas provincial police director, ang biktimang si Edgardo Luistro, nakatalaga bilang animal quarantine inspector sa DA at residente ng Barangay Bulsa, San Juan, Batangas. Ayon sa ulat, binabagtas ni Luistro ang kahabaan ng nasabing lugar lulan ng kanyang owner-type jeep nang ratratin bandang alas-5:15 ng umaga. Sinisilip ng mga imbestigador ang anggulong may kaugnayan sa away sa lupa ang isa sa motibo ng pamamaslang. (Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

BARANGAY BULSA

BARANGAY LAIYA IBABAW

BATANGAS

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

EDGARDO LUISTRO

PRUDENCIO BANAS

SAN JUAN

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with