^

Probinsiya

Pumatay sa 2 pulis, 6 timbog

-
RIZAL — Bumagsak sa kamay ng pulisya ang anim-katao na pinaniniwalaang pangunahing suspek sa pagpatay sa dalawang alagad ng batas sa isinagawang follow-up operations sa Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal kahapon. Ang mga suspek na nasamsaman ng dalawang granada, 300 gramo ng shabu, mga baril at iba’t ibang uri ng bala, ay nakilalang sina Jose Argayaso, 55; Jeffrey Taib, Rinnie Tugmah, Jimmy Baginaw, 37; Alicia Benigno, 44; at Anna Olongay, 30.

Ayon kay P/Senior Supt. Freddie Panen, Rizal provincial police director, ang mga suspek ay responsable sa pagpatay kina PO2 Urbano Enero at P03 Romeo Maglinaw ng Regional Police Mobile Group matapos na tambangan sa police detachment sa Ilog Tapayan, Lupang Arienda, Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal kamakalawa ng hapon.

Naaresto ang mga suspek sa magkakahiwalay na lugar sa ginawang follow-up operations ng pulisya kahapon ng madaling-araw sa bahagi ng Sitio Lupang Arienda ng nasabing barangay.

Si Taib, ay may nakabinbing kasong murder laban sa isang police asset noong Enero 2007 habang si Tugmah ay nakuhanan ng 300 gramo ng shabu.

Ayon kay Panen bukod sa anggulong droga ay iniimbestigahan pa nila kung kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang mga suspek. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ALICIA BENIGNO

ANNA OLONGAY

AYON

BARANGAY STA

EDWIN BALASA

FREDDIE PANEN

ILOG TAPAYAN

RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with