Internet café na may pirated software, ni-raid
February 11, 2007 | 12:00am
CAMP CRAME  Pansamantalang nahinto ang operasyon ng isang Internet café sa shopping mall sa Cebu makaraang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group at Cebu police dahil sa paggamit nito ng mga pirated software.
Pormal na sinampahan ng kaukulang kaso ng may-ari ng Café Java na si Romualdo Kho dahil sa pagkakakumpiska ng limang computer na naglalaman ng pirated software.
Sa report ni P/Supt. Noel delos Reyes, head ng CIDG-Anti-Fraud and Commercial Division sa Maynila, nagsagawa sila ng raid sa naturang establisimyento matapos makakuha ng search warrant na inisyu ni Judge Reynaldo Ros ng Manila Regional Trial Court.
Inimbitahan din ng mga awtoridad ang dalawa sa kawani ng Café Java para sa kaukulang imbestigasyon. (Angie Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest