^

Probinsiya

Mag-asawang trader, driver kinidnap

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna — Isa na namang kaso ng kidnapping ang naganap matapos na dukutin ang mag-asawang Indian trader at ang kanilang Pinoy driver ng mga nagpanggap na pulis-Quezon City kamakalawa ng umaga, subalit pinakawalan din sa Cavite dahil nagbayad ng malaking halagang ransom.

Kinilala ni P/Chief Inspector Alex Borja, hepe ng Bacoor PNP, ang mga biktimang sina Jasvir Singh, 39; asawa nitong Manjid Kaur, 41 at ang Pinoy na driver na si Protacio Macere, 35, na pawang naninirahan sa Pasong Tamo, Quezon City.

Ayon sa report, bandang alas-8:30 ng Martes ng umaga, binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng Luzon Avenue sa Quezon City sakay ng kanilang kot seng KIA na may plakang XEF-895 nang parahin sila ng dalawang lalaking nakauniporme ng pulis sakay ng motorsiklo.

Sa salaysay ng mga biktima, matapos nilang huminto, hiningi ng mga nagpakilalang pulis ang lisensya ng driver bago sila inutusang sumakay sa isang van na nakaparada sa gilid ng kalsada.

Nagpaikut-ikot ang van ng ilang oras sa Quezon City bago ibinaba sa may Balintawak si Jasvir Singh bandang alas-7 ng gabi para mag-produce ng P2-milyon kapalit ng kalayaan ng kanyang asawa at driver na naiwang bihag ng mga kidnaper sa van.

Bandang alas-6:20 ng umaga ng Miyerkules, natagpuan na lang ng mga pulis ang sasakyang KIA ng mga biktima sa may Sitio Latero, Green Valley, San Nicolas 3, Bacoor, Cavite na kung saan lulan sina Manjid at Protacio na nakagapos at nakapiring ang mga mata.

Sa imbestigasyong isinagawa sa mga biktima, itinanggi ni Jasvir na nagbayad siya ng P2-milyon bilang ransom money, na taliwas naman sa teorya ng Bacoor PNP.

"May posibilidad na nagbayad ang mga biktima, pero natatakot lang magsabi baka kasi balikan sila ng mga kidnaper," pahayag ni Chief Inspector Borja sa mobile interview ng PSN.

Kasalukuyang nagsasagawa ng manhunt operation ang kapulisan laban sa mga kidnaper na naisalarawan ng mga biktima.

vuukle comment

BACOOR

CAVITE

CHIEF INSPECTOR ALEX BORJA

CHIEF INSPECTOR BORJA

GREEN VALLEY

JASVIR SINGH

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with