Fiscal arestado sa pangongotong
February 2, 2007 | 12:00am
BUTUAN CITY Kalaboso ang binagsakan ng isang fiscal na miyembro ng Department of Justice Prosecution Service sa Lianga, Surigao del Sur makaraang masakote ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI)-Caraga sa isinagawang entrapment operation sa kasong pangongotong kahapon sa loob ng Gaisano Mall sa Butuan City.
Pinangunahan ni NBI Special Agent Joel Firmagelino, ang pag-aresto sa suspek na si Fiscal Teofilo Manuel na nakatalaga sa Regional Trial Court Branch 20 sa Lianga, Surigao del Sur.
Sa ulat ni NBI Regional Director Lauro Reyes, isinagawa ang entrapment operation laban kay Fiscal Manuel matapos na magreklamo ang isang lady trader mula sa bayan ng Bayugan, Agusan del Sur.
Base sa ulat ng NBI, nag-file ng kasong estafa ang lady trader na si Remedios Malabuco sa Prosecutors Office ni Fiscal Manuel sa bayan ng Lianga, Surigao del Sur noong 2005 laban kay Alfredo Bandivas ng Marihatag, Surigao del Sur.
"I opted to seek legal help from the Fiscals Office since lawyers here in the region are asking high professional fees of which I cannot afford," pahayag ni Malabuco sa mga mamamahayag.
Subalit nang makiusap ni Malabuco para mapabilis ang resolusyon ng kasong estafa na nakabinbin ay nag-demand ng P2,500 si Fiscal Manuel.
Napag-alamang humihingi rin ng pambili ng airplane ticket para sa Cebu si Fiscal Manuel noong 2006, subalit P1,000 lamang ang naibigay ni Malabuco dahil hindi masyadong kumikita ang negosyo ng lady trader.
Noong Martes (Enero 30) ay muling nakiusap si Malabuco kay Fiscal Manuel na mapadali ang kasong estafa, subalit nag-demand ng halaga ang nasabing suspek bilang bayad sa serbisyo.
Lingid sa kaalaman ni Fiscal Manuel ay nakipag-ugnayan si Malabuco sa NBI hanggang sa isagawa ang entrapment operation sa loob mismo ng kilalang fastfood chain sa nasabing mall.
Nanatiling tikom ang bibig ni Fisacal Manuel sa akusasyon sa kanya habang nasa NBI room sa regional office. (Ben Serrano)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 10, 2026 - 12:00am