^

Probinsiya

Mag-asawang magsasaka kinatay

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – May posibilidad na agawan sa lupang sinasaka kaya pinagtulungang tagain hanggang sa mapatay ang mag-asawang magsasaka ng kanilang kaanak sa Sitio Bantolinao, Barangay Amolog sa bayan ng Aroroy, Masbate kahapon.

Animo’y kinatay na hayop ang naging katawan ng mag-asawang sina Rudy Bulalacao, 58; at Nilda Bulalacao, 67, na kapwa naninirahan sa nabanggit na barangay.

Tugis naman ng pulisya ang mga suspek na magsasaka na sina Geronimo Bulalacao, Lino Bulalacao, Sandy Bulalacao at si Bobby Guadalupe pawang residente ng naturang lugar.

Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, na magkasamang nanananghalian ang mag-asawa sa kanilang tahanan nang pumasok ang mga suspek na maybitbit na itak.

Napag-alamang nagkaroon nang sigawan sa pagitan ng mag-asawa at mga suspek bago nakaranig ang ilang kapitbahay na humihingi ng saklolo ang mga biktima.

Sa impormasyong nakalap ng pulisya, lumalabas na inaangkin ng mga suspek ang sinasakang lupain ng mag-asawa, subalit ipinaglaban ng mga biktima kaya humantong sa bayolenteng krimen. (Ed Casulla)

BARANGAY AMOLOG

BOBBY GUADALUPE

ED CASULLA

GERONIMO BULALACAO

LEGAZPI CITY

LINO BULALACAO

NILDA BULALACAO

RUDY BULALACAO

SANDY BULALACAO

SITIO BANTOLINAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with