^

Probinsiya

Suspensyon laban kay Mayor Esquivel pinigil ng CA

-
Hinarang na ng Court of Appeals (CA) kahapon ang suspension order laban kay Jaen, Nueva Ecija Mayor Antonio Esquivel na kusang bumaba sa puwesto may ilang araw na ang nakalipas.

Sa 2-pahinang kautusan ng CA 2nd Division, sa panulat ni Associate Justice Lucenito Tagle, inisyu nito ang temporary restraining order (TRO) tatagal ng 30-araw upang hindi ipatupad ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang kautusang inilabas ng Office of the Ombudsman laban kay Esquivel.

Nilinaw ng Appellate Court na ang pagkakaloob ng TRO ay base na rin sa kahilingan ni Esquivel upang maiwasan ang pinsalang maaring idulot ng pagkakasuspendi ng alkalde sa political career nito.

Kasabay nito, inatasan din ng DILG, Ombudsman at iba pang respondent na magsumite ng paliwanag kaugnay sa nasabing kautusan at kung bakit hindi dapat magpalabas ng preliminary injunction sa kaso.

Una nang kinuwestiyon ng nasabing alkalde sa CA ang kautusan ni Ombudsman Merceditas Gutierrez na suspendihin siya sa puwesto dahil sa paglabag sa rules and regulations ng Civil Service Commission.

Nabatid na dinismis ni Esquivel sina Moises Eduardo, Soledad Galang at Bonifacio De Belen, pawang mga Civil Service eligible na miyembro ng local water district sa nasabing lalawigan. (Ludy Bermudo)

APPELLATE COURT

ASSOCIATE JUSTICE LUCENITO TAGLE

BONIFACIO DE BELEN

CIVIL SERVICE

CIVIL SERVICE COMMISSION

COURT OF APPEALS

ESQUIVEL

LUDY BERMUDO

MOISES EDUARDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with