^

Probinsiya

43 NPA rebels patay!

-
CAMP CRAME – May 43 miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napaslang habang marami pa ang nasugatan sa isinagawang umaatikabong air at ground strikes operations ng militar sa Leyte, Quezon at Bicol Region, ayon sa ulat ng mga opisyal kahapon.

Ayon kay Army’s 8th Infantry Division (ID) chief Major Gen. Rodrigo Maclang, may 30 miyembro ng NPA ang napuruhan makaraang magsagawa ng air at ground attack ang 802nd Infantry Brigade ng Philippine Army (PA) sa kuta ng mga rebelde sa bulubunduking bahagi ng Albuera, Leyte.

Bandang alas-4 ng hapon kamakalawa nang magsimulang magsagawa nang pag-atake ang pinagsanib na puwersa ng 802nd at 19th Infantry Brigades sanhi ng pagkakapaslang ng mga rebelde at pagkasugat ng iba pa.

Kasunod nito, isinagawa ang pagkubkob sa isa pang kuta ng NPA sa Brgy. Sinonogan, Pambujan, Northern Samar ng tropa ng 63rd Infantry Battalion.

Samantala, pitong rebelde naman at isang sundalo na kinilalang si Pfc. Adriel Manzano ang napatay sa engkuwentro sa pagitan ng mga rebelde at tropa ng Army’s 74th Infantry Battalion sa San Isidro, San Narciso, Quezon nitong Sabado ng hapon.

Sa nasabing insidente ay nasugatan si Lt. Jeffrey Bugnosen na ngayo’y nilalapatan ng lunas sa Mt. Carmel Hospital sa Lucena City.

Sa Bicol Region ay naitala naman sa anim na rebelde at isa pang sundalo ang napaslang sa sagupaan ng tropa ng pamahalaan sa lalawigan ng Sorsogon at Albay kamakalawa.

Bandang alas-5:30 ng umaga noong Sabado nang makasagupa ng 901st Infantry Brigade ng PA ang may 21 rebelde sa Daraga, Albay at nagkaroon rin ng bakbakan sa pagitan ng 9th Infantry Battalion sa Pilar, Sorsogon.

Patuloy naman ang pursuit operations ng militar sa mga nakatakas pang rebelde. (Joy Cantos)

ADRIEL MANZANO

ALBAY

BANDANG

BICOL REGION

INFANTRY

INFANTRY BATTALION

INFANTRY BRIGADE

INFANTRY BRIGADES

INFANTRY DIVISION

JEFFREY BUGNOSEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with