^

Probinsiya

Mayor Esquivel bumaba na

-
NUEVA ECIJA – Nagpakamaginoo si suspended Mayor Antonio Esquivel makaraang bumaba sa puwesto mula sa municipal town hall at hayaan ang kanyang bise alkalde na mamuno sa kanilang bayan noong Biyernes ng hapon.

Ganap na alas-4:30 ng hapon noong Biyernes ay pinauwi na ni Mayor Esquivel ang mga supporters matapos na hindi dumating ang hinihintay na temporary restraining order (TRO) mula sa korte at tuparin ang binitiwan nitong salita noong Martes.

Pinuri naman ng pulisya at ng Department of Interior and Local Government officials (DILG) na nag-implementa ng dismissal order ng Ombudsman ang ginawa ni Mayor Esquivel dahil naiwasan ang posibleng kaguluhan tulad sa Iloilo Provincial Capitol.

Inakusahan naman ni Mayor Esquivel na si Nueva Ecija 4th District Rep. Rodolfo "Rody’" Antonino, ang nasa likod ng kasong isinampa laban sa kanya.

Nanumpa naman si Vice Mayor Santiago "Santi" Austria, bilang acting mayor at Councilor Arsenia Javate, bilang vice mayor sa harap nina DILG Regional Director Josefina Castillo-Go, Senior Supt. Allen Bantolo, DILG Provincial Director Abraham Pascua, at isang kinatawan mula sa opisina ng PNP Region 3 office matapos na hindi makasama si Chief Supt. Ismael Rafanan.

Matatandaang sinuspinde ng Ombudsman si Mayor Esquivel dahil iligal na pagkakadismiss ng tatlong board of directors ng Jaen local water district noong 2004. (Christian Ryan Sta. Ana)

ALLEN BANTOLO

BIYERNES

CHIEF SUPT

CHRISTIAN RYAN STA

COUNCILOR ARSENIA JAVATE

DISTRICT REP

ILOILO PROVINCIAL CAPITOL

MAYOR

MAYOR ESQUIVEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with