^

Probinsiya

6 todas sa landslide

-
CAMP AGUINALDO — Anim-katao ang iniulat na nasawi matapos na matabunan ng putik at bato ang kanilang tahanan sa hangganan ng bulubunduking bahagi ng Barangay Balobo at Maasin sa Esperanza, Agusan del Sur, ayon sa ulat kahapon.

Kabilang sa mga biktima na namatay ay kinilalang si Faustino Pungcol, habang inaalam pa ang pangalan ng iba pa sa mga sinawimpalad sa trahedya.

Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-8 ng gabi nang biglang dumagundong at kasunod nito ay gumuho ang bundok na tumabon sa mga kabahayang nasa ibaba nito na ikinasawi ng mga biktima.

Napag-alamang aabot naman sa P140 milyon ang kailangang pondo ng DPWH para sa rehabilitasyon ng mga nasirang kalsada at tulay sa nasabing rehiyon.

Samantala, naapektuhan naman ang 266 barangay sa buong rehiyon dahil sa patuloy na buhos ng ulan simula pa noong Enero 2.

Naitala naman sa kabuuang 211, 869-katao (47,766 pamilya) ang naapektuhan ng kalamidad. (Joy Cantos)

AGUSAN

AYON

BARANGAY BALOBO

ENERO

ESPERANZA

FAUSTINO PUNGCOL

JOY CANTOS

KABILANG

MAASIN

NAITALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with