Recto, nanumpa bilang gobernador
January 17, 2007 | 12:00am
Tuluyan nang nanumpa kahapon sa tanggapan ng Department of Interior and Local Government (DILG) bilang gobernador ng Batangas si dating Vice Governor Richard Recto.
Sa isang press conference kahapon, sinabi ni Recto, na bagamat wala na sa kanyang dating puwesto si ex-Gov. Arman Sanchez, hindi pa rin tuluyang nawawala ang bangungot sa nasabing lalawigan dahil marami pa rin dapat na ayusin kabilang ang pinansiyal, audit at mga kawani ng munisipyo ng lalawigan.
Ipinayo rin ni Recto sa mga tagasuporta ni Sanchez na sumunod na lamang at gawin ang nararapat dahil kung siya ang tatanungin ay hindi siya magtatayo ng anumang barikada o anumang pagsasara ng mga daanan.
Napag-alaman na papalit kay Recto bilang bise governador ay ang pamangkin ni dating Batangas governor Tony Leviste na si Mark Leviste. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
6 hours ago
Recommended