^

Probinsiya

Sulyap Balita

-
23 na todas sa landslide
CAMP CRAME – May 23 katao na ang nasawi sa pananalanta ng landslide at flashflood sa Visayas at Mindanao Region sanhi ng mahigit isang linggong patuloy na malalakas na mga pag-ulan sa rehiyon, ayon sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD). Ayon sa OCD, nagdulot ng matitinding landslide at mga pagbaha matapos na umapaw ang mga ilog partikular na sa Leyte at Samar, pawang sa Eastern Visayas Region at sa katimugang rehiyon ng Mindanao. Sa kabuuang 23 nasawi, siyam rito ay sanhi ng landslide sa Northern Samar habang ang iba pang mga biktima ay nasawi naman sa pagkalunod. Pinakahuli sa nadagdag sa talaan ng mga nasawi ay sina Lemuel Serrano, Ramil Guanzon at Jeboy Labareno mula sa lumubog na bangkang pangisda sa lalawigan ng Agusan del Sur kamakalawa. Lima pa katao ang nawawala at pinangangambahang nasawi sa landslide sa Northern Samar at 16 katao naman ang naitalang nasugatan sa kalamidad. Ayon kay OCD Administrator Glen Rabonza, aabot sa kabuuang 82,455 pamilya o kabuuang 382, 561 katao mula sa 539 barangay, 4 na siyudad at 55 munisipalidad sa Region VI, VIII, XI, XII, ARMM at CARAGA Region ang naapektuhan ng landslide at flashflood. (Joy Cantos)
Binata hiniwalayan, nagsuicide
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang 24-anyos na binata ang natagpuan sa loob ng tinutuluyang boarding house na nakabitin kamakalawa ng hapon matapos umanong kalasan ng kanyang kasintahan sa Barangay Eastern Cabinitan, Virac, Catanduanes. Ang biktima ay si Randy Valenzuela, tubong Brgy. Nagbarorong Baras, nasabing lalawigan. Sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon nang makita ang biktima ng kanyang kasamahang si Johnson Dela Cruz na nakabitin sa pintuan ng Room 14 ng naturang boarding house. Bago ang pagpapakamatay, kamakalawa matapos ang kanilang pag-uusap ay hiniwalayan umano ang biktima ng kanyang nobya at simula noong hindi na ito lumabas pa ng kanyang kuwarto. Nang umuwi ang mga kasamahan ng biktima sa boarding house ay laking gulat ng mga ito nang makitang nakabitin ang biktima sa kanyang kuwarto at wala nang buhay. (Ed Casulla)
Dyip vs 2 motorsiklo: 1 dedo
NUEVA ECIJA – Isa ang namatay at tatlo ang malubhang nasugatan kabilang ang isang pedestrian makaraang mabundol ng isang pampasaherong jeep ang kasalubong na dalawang motorsiklo sa kahabaan ng Provincial Road, Barangay Maturanoc, Guimba, Nueva Ecija kamakalawa ng umaga. Ang nasawi ay si Camilo Estanaco, 45, may-asawa ng Brgy. Sto. Rosario, Sto. Domingo, NE, habang dinala naman sa Guimba District Hospital ang mga sugatang sina Rodel Esguerra at Orlando Ferrer, kapwa ng Brgy. San Miguel, Mexico, Pampanga at ang tumatawid na si Danilo Diaz, ng Brgy. Maturanoc, dito. Samantala, boluntaryong sumuko sa Guimba Police ang suspek at drayber ng nakabundol na XLT passenger jeep (PBB-683), na si Diosdado Ilumen, 40. Sa ulat, dakong alas-7 ng umaga habang binabagtas ng suspek ang provincial road at nang mag-overtake ito sa nasa unahang trak ay sumalpok ito sa motorsiklo (OI-4549) na minamaneho ni Esguerra. Nawalan ng kontrol si Esguerra sa manibela at nabundol naman si Diaz, na naglalakad sa kalsada at nabundol pa ang isang kasalubong na motorsiklo (HM-5669) na minamaneho naman ni Estanaco na binawian ng buhay. (Christian Ryan Sta. Ana)
2 bebot kalaboso sa droga
PLARIDEL, Bulacan – Kalaboso ang binagsakan ng dalawang babae sa bayang ito kahapon matapos ang isang buy-bust operation na isinagawa ng pulisya. Kinilala ni P/Supt. Arthur Felix Asis, hepe ng pulisya ng bayang ito ang mga suspek na sina Carmelita, Marcelo, 27, security guard, at Melissa Cruz-Alvaro, 33, walang trabaho, mga residente ng Brgy. Banga 1st at 2nd ayon sa pagkakasunod. Sa ulat, matagal nang tinitiktikan ng pulisya ang dalawa kaya’t nagsagawa sila ng buy-bust operation sa bahay ni Alvaro kahapon. Nakakumpiska ang mga pulis mula sa mga suspek ng P300 halaga ng shabu. Ang mga suspek ay nahaharap sa kaso ng paglabag sa section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Law. (Dino Balabo)

ADMINISTRATOR GLEN RABONZA

ARTHUR FELIX ASIS

AYON

BARANGAY EASTERN CABINITAN

BRGY

CENTER

NORTHERN SAMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with