Misis nagbaril sa sentido
January 7, 2007 | 12:00am
CAVITE Dahil umano sa suko na sa hirap ng buhay, winakasan ng isang Ginang ang buhay nito sa pamamagitan ng pagbaril sa sentido sa loob ng kanyang bahay sa Molino 4, Bacoor, lalawigang ito kahapon ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Agnes Ramirez 39, may-asawa at residente ng B-6 L-14 Progressive 4 Molino 4 ng bayang nabanggit.
Sa imbestigasyon ni PO2 Wilfredo Cabuntocan dakong alas-8:20 ng umaga nang mabungaran ni Edgardo Ramirez, kapatid ng biktima ang una na naliligo sa sariling dugo dahil sa tama ng bala ng baril sa ulo at nakahandusay sa kanyang tahanan.
Sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya sa tahanan ng biktima, narekober dito ang isang "suicide note" na nagsasaad at naglalabas ng sama ng loob, pagsuko ng biktima sa hirap ng buhay at sa mga dinanas nitong desperation.
Narekober din ng pulisya ang isang cal. 38 paltik at bote ng fundador sa loob ng tahanan ng biktima na pinaniniwalaang nag-inom muna at nang malasing ay saka sinumpong ng matinding emosyon at depresyon hanggang sa makuha nitong magbaril sa sarili.
Wala namang makita ang mga awtoridad ng palatandaan ang mga awtoridad na may "foul play" sa pagkamatay ng biktima. (Cristina Go Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am