^

Probinsiya

1 dedo, 3 grabe sa sunog

-
CAMP CRAME – Isa katao ang nasawi habang tatlo pa ang malubhang nasugatan matapos tupukin ng apoy mula sa sumiklab na paputok ang ilang kabahayan sa Bacayao Norte, Dagupan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Police Regional Office (PRO) 1 Director Chief Supt. Leopoldo Bataoil ang nasawi na si Melanio Orit, 29-anyos.

Ang malubhang nasugatan ay nakilala namang ang mag-iinang sina Marivic Ricalde, 46-anyos at dalawa nitong anak na sina Joshua, 4 anyos at Jasmin, 5 buwang sanggol.

Sinabi ni Bataoil na ang sunog ay naganap sa mga kabahayang nasasakupan ng Bacayao Norte ng nasabing lungsod pasado alas-11 ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon ng Dagupan City Police, ang sunog ay nagmula sa isang sumabog na kwitis na imbes na pataas ay patagilid ang putok na lumikha ng apoy na mabilis na kumalat sa mga kabahayan sa lugar.

Nabigong mailigtas si Orit matapos itong makulong ng apoy mula sa nasusunog niyang tahanan. Mabilis namang isinugod sa pagamutan ang mag-iina para malapatan ng lunas sa tinamo ng mga itong matitinding paso sa kanilang mga katawan.

Bandang alas-8 naman ng gabi ng masunog ang ikaapat na bahagi ng palengke ng lungsod sa panulukan ng Paco at Roman Sts. bagaman walang nasugatan sa insidente. Ang sunog ay naapula bandang alas-11 na ng gabi. (Joy Cantos)

vuukle comment

BACAYAO NORTE

DAGUPAN CITY

DAGUPAN CITY POLICE

DIRECTOR CHIEF SUPT

JOY CANTOS

LEOPOLDO BATAOIL

MARIVIC RICALDE

MELANIO ORIT

POLICE REGIONAL OFFICE

ROMAN STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with