^

Probinsiya

Vice mayor, escort itinumba

-
CAMP CRAME – Nabahiran ng dugo ang isang masayang fiesta matapos pagbabarilin hanggang sa mapaslang ang isang bise alkalde at police escort nito sa koronasyon ng "Fiesta Queen" ng bayan ng Tapaz, Capiz kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot sa insidente ang mga biktimang sina Tapaz Vice Mayor Victor Gardose at ang escort nitong pulis na hindi natukoy ang pangalan matapos na masapul ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat na tinanggap kahapon ni PNP Chief Director General Oscar Calderon ang insidente ay naganap sa gitna ng kasiyahan sa kapiyestahan ng Tapaz pasado alas-7 ng gabi nitong Sabado.

Nabatid na tatlong lalaki na lulan ng motorsiklo ang tumigil sa lugar na inakala ng mga residente na makikipamiyesta lamang at makikisindi ng sigarilyo subali’t laking gulat ng mga ito ng maglabas ang mga ito ng mga armas ng maispatan si Gardose na pababa ng sasakyan.

Si Gardose ay nagtungo sa poblacion ng naturang munisipalidad upang dumalo sa koronasyon ng itinanghal na "Queen of Tapaz" ng paslangin ng mga salarin.

Armado ng cal. 45 pistol ay halos sabay-sabay ng mga itong pinaputukan ang bise alkalde at police escort nito.

Duguang bumulagta ang dalawang biktima at matapos masigurong patay na ang kanilang target ay mabilis na nagsitakas gamit ang mga motorsiklong walang plaka at huling namataan patungo sa direksyon ng Calinog, Iloilo.

Sa pahayag ng mga kamag-anak at kaibigan ng pamilya ng biktimang lokal na opisyal naniniwala silang pulitika ang motibo ng krimen.

Sa kabila nito, hindi naman inaalis ng mga awtoridad na may kinalaman ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa krimen habang patuloy ang imbestigasyon sa kasong ito. Nabatid pa na si Gardose ay siyang Acting Mayor ng Tapaz ng paslangin ito dahilan si Mayor Romualdo Exmundo ay nakabakasyon sa Metro Manila. (Joy Cantos)

ACTING MAYOR

CHIEF DIRECTOR GENERAL OSCAR CALDERON

FIESTA QUEEN

GARDOSE

JOY CANTOS

MAYOR ROMUALDO EXMUNDO

METRO MANILA

NABATID

TAPAZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with