^

Probinsiya

Mag-ama, 4 pa lunod sa beach

- Eva Visperas -
BINMALEY, Pangasinan – Nakapanlulumong pangyayari ang naganap sa panahon ng Kapaskuhan kung saan nalunod sa beach resort ang anim na sibilyan kabilang na ang mag-ama sa isa na naman trahedya sa Dagupan City, Pangasinan noong Lunes at Martes (Dec. 25-26).

Kinilala ng pulisya ang mag-amang nasawi na sina Danilo Abrea at anak nitong si Jedan, 14, na kapwa naninirahan sa Barangay Macabito, Calasiao, Pangasinan.

Base sa ulat ni SPO2 Gualberto Nomil, deputy station chief ng 102nd Maritime Police Station sa Dagupan City, ang matandang Abrea ay kararating lamang mula sa Yemen bilang inhinyero at nag-celebrate ng Christmas sa Tondaligan Beach Resort kasama ang kanyang pamilya.

Napag-alamang tinangkang sagipin ni Danilo ang kanyang anak na nalulunod, subalit kapwa sila tinangay ng malaking alon at tuluyang lamunin ng dagat bago narekober ang kanilang mga labi.

Sa talaan ng pulisya, ang mag-ama ay kabilang sa 20-katao na naging biktima ng "killer beach" sa nabanggit na bayan sa taong 2006 dahil karamihang nalulunod ay pawang nasa impluwensya ng alak.

Kasunod nito, apat naman magpipinsan ang iniulat na nasawi makaraang malunod habang naliligo sa beach resort sa bayan ng Binmaley, Pangasinan noong Martes ng umaga, ayon sa ulat ni PO1 Pioquinto Ursua.

Kabilang sa mga biktimang namatay sa pagkalunod ay ang mag-utol na sina Robert de Vera, 12; at Sherwin de Vera, 10, na kapwa naninirahan sa Barangay Pallas; mga pinsang sina Mariz Bagaoisan, 16; at Jayson Morales, 18 na kapwa residente ng Barangay Turac, San Carlos City, Pangasinan, ayon kay PO1 Ursua.

BARANGAY MACABITO

BARANGAY PALLAS

BARANGAY TURAC

DAGUPAN CITY

DANILO ABREA

GUALBERTO NOMIL

JAYSON MORALES

MARITIME POLICE STATION

MARIZ BAGAOISAN

PANGASINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with