^

Probinsiya

3 todas sa ‘engkantong’ poste

-
LUCENA CITY – Tila may engkantong namamahay sa poste ng kuryente na nakatayo sa gilid ng kalye na sakop ng Barangay Ibabang Iyam sa Maharlika Highway, Lucena City makaraang may bumangga na namang motorsiklo na ikinamatay ng tatlong sibilyan, kamakalawa ng madaling-araw.

Base sa talaan ng pulisya, tinatayang aabot sa 29 kaso ng sakuna sa nabanggit na lugar ay pawang sinalubong ni kamatayan, ayon kay P/Senior Supt. Reuben Theodore Sindac, chief of police ng nabanggit na lungsod.

Ang dalawa sa pinakahuling mga biktima ay nakilala sa pamamagitan ng kanilang ID na sina Warlito Mission, 22, ng Barangay Market View; at Rizaldo Grajo, 31, ng Barangay Bocohan samantalang patuloy pang inaalam ang pangalan ng ikatlong biktima.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Benjie Jabrica at PO2 Aldrin Andres, naitala ang road mishap dakong alauna y medya ng madaling-araw habang magkakaangkas sa motorsiklo ang mga biktima at tinatahak ang nasabing kalye patungo sa kabayanan mula sa pakikipag-inuman.

May teorya ang pulisya na pawang mga senglot ang mga biktima nang nawalan ng kontrol at tuluy-tuloy na sumalpok sa poste na naging dahilan upang sila ay tumilapon sa kalye.

Pawang basag ang mga bungo at bali ang mga braso ng tatlong biktima nang abutan ng pulisya na nakahandusay sa gitna ng kalye.

Dalawang linggo pa lamang ang nakalilipas makaraang mamatay rin sa naturang lugar ang magtiyuhin na nakasakay din sa motorsiklo nang bumangga sa nabanggit na poste. (Tony Sandoval)

ALDRIN ANDRES

BARANGAY BOCOHAN

BARANGAY IBABANG IYAM

BARANGAY MARKET VIEW

BENJIE JABRICA

LUCENA CITY

MAHARLIKA HIGHWAY

REUBEN THEODORE SINDAC

RIZALDO GRAJO

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with