Pulis, dedo sa Christmas party
December 19, 2006 | 12:00am
SAN FERNANDO CITY, La Union Kamatayan ang sumalubong sa isang bagitong pulis na nakatalaga sa crime laboratory sa Cordillera Police Regional Office sa Baguio City makaraang malunod sa beach resort sa ginanap na Christmas party ng kanyang mga kabaro noong Linggo ng hapon sa Barangay San Francisco City, La Union. Kinilala ang biktimang si PO1 Rico Licyayo, 28, ng Kias, Baguio City. Ayon kay P/Senior Supt. Franklin Bucayu, La Union police director, nag-celebrate ng Christmas party ang grupo ng biktima sa Acapulco Beach Resort sa nabanggit na munisipalidad.
Bandang alas-2 ng hapon nang maligo sa beach ang biktima kasama ang dalawa pang kaibigang pulis. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay hinagupit ng malaking alon ang biktima kaya napadpad sa malalim na bahagi ng beach hanggang sa malunod. Narekober naman ang biktima at agad na dinala sa Ilocos Training and Regional Medical Center, subalit hindi na umabot pa ng buhay. (Jun Elias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 23 hours ago
By Cristina Timbang | 23 hours ago
By Tony Sandoval | 23 hours ago
Recommended