4 pulis patay sa ambush
December 19, 2006 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Apat na alagad ng batas at isang sibilyan na nagdadala ng mga relief goods sa sinalanta ng bagyo sakay ng bangkang de-motor ang tinambangan at napatay ng mga rebeldeng New Peoples Army sa Barangay Manlutod, Placer, Masbate kamakalawa ng hapon.
Ang mga biktimang pulis na miyembro ng 507th Police Provincial Mobile Group na binistay ng bala ng baril ay nakilalang sina PO1 Juan Compuesto, PO1 Dominador Raymundo, PO1 Andrew Chu at PO3 Jose Blair Banaag, habang hindi naman nakilala ang sibilyang kasama sa napaslang.
Samantala, sugatan naman ang isa pang sibilyang si Nilo Delapiso habang nakaligtas sa karit ni kamatayan si Isagani Garing.
Sa inisyal na imbestigasyong isinumite kay P/Senior Supt. Eugenio Alcovindas, provincial director, lulan ng bangkang de-motor ang mga biktima para magdala ng mga relief goods sa mga biktimang sinalanta ng bagyo sa nabanggit na lugar nang rartratin ng mga rebelde.
Hindi nakaporma ang apat na pulis, samantalang nakatalon naman sa tubig ang sugatang si Delapiso at Garing.
Matapos ang pananambang ay tinangay ng grupong NPA ang mga armas ng apat na pulis maging ang mga relief goods na ipamamahagi sana sa mga biktima ng bagyong "Seniang".
Ilang oras matapos ang pananambang ay inako naman ng pamunuan ng NPA rebs sa ilalim ng Jose Rapsing Command na pinamumunuan ni Val Silang, ang naganap na pananambang sa mga biktima.
Posibleng maghasik muli ng karahasan ang mga rebelde bilang bahagi ng ika-38 anibersaryo ng komunistang grupo sa Disyembre 29. (Ed Casulla at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
17 hours ago
Recommended