^

Probinsiya

Nursing student ni-rape slay ng mga adik

-
LAGUNA – Isang 17-anyos na Nursing student ang hindi na makapagdadaos ng kasiyahan sa Pasko matapos holdapin at patayin ng mga kalalakihang sugapa sa droga sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni P/Chief Inspector Joriz Cantoria, hepe ng Sta Cruz PNP, ang biktimang si Jen-jen Ademi ng Barangay San Antonio, Kalayaan, Laguna at first year student ng STI Computer School sa bayang nabanggit.

Ayon sa report, bandang alas-6 ng gabi, papunta na sana si Ademi sa Christmas party sa Monserrat Subdivision ng Barangay Sto. Angel Sur sakay ng traysikel nang hindi na ito nakarating, ayon na rin sa kanyang mga kaklase.

Kinabukasan, araw ng Biyernes, laking gulat na lang ng mga residente sa lugar nang matagpuan ang bangkay ni Ademi sa loob ng Himlayan Ng Mga Anghel Cemetery na may apat na tama ng saksak sa kanyang leeg.

Sa panayam ng PSN kay Cantoria, hindi naman napagsamantalahan ang biktima, base sa ginawang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO).

Malaki naman ang paniniwala ng mga kaanak ng biktima na napagsamantalahan ang dalaga dahil natagpuan ang bangkay nitong wala nang saplot.

Nagrereklamo rin ang mga magulang ng biktima laban sa mga imbestigador nang magsagawa ang mga ito ng awtopsiya nang wala umanong pahintulot sa mga kanila.

Paiimbestigahan ko ang kanilang sumbong kung totoo ngang nangyari ang mga bagay na ’yon," ani Cantoria sa PSN.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang Sta. Cruz PNP para masakote ang mga suspek na pinaniniwalaang mga sugapa at adik sa bawal na gamot.

vuukle comment

ADEMI

ANGEL SUR

BARANGAY SAN ANTONIO

BARANGAY STO

CHIEF INSPECTOR JORIZ CANTORIA

COMPUTER SCHOOL

CRUZ

HIMLAYAN NG MGA ANGHEL CEMETERY

MONSERRAT SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with