P1.6M payroll, napasama sa lumubog na ferry
December 7, 2006 | 12:00am
SURIGAO CITY Hindi na matagpuan ng mga rescue diver ang Samsonite bag na naglalaman ng P1.6-milyong payroll money para sa mga kawani ng munisipalidad ng Del Carmen na napasama sa lumubog na MB Leonida II noong Biyernes (Nob 24) sa karagatang sakop ng Punta Cili Point at Halian Island.
Ito ang kinumpirma ng bodyguard ni Mayor Navarro na si Rudy Celeste, na ang Samsonite bag ay kabilang sa dala-dala ng nabanggit na alkalde noong Nob. 25.
"Wala naman banko sa Del Carmen, kaya sa Surigao City Bank namin winidraw yung payroll money noong Nobyembre 24," paliwanag pa ni Celeste.
Wala namang binigay na paliwanag ang Phil Coast Guard na umalis ng Surigao City matapos na narekober ang mga bangkay ni Del Carmen Mayor Arlencita Navarro at dalawa pang iba na natagpuan ng mga rescue diver noong Sabado (Dec 2) sa loob ng lumubog ferry boat.
Sa kasalukuyan, nanatiling labinsiyam na bangkay ng mga pasahero ng MB Leonides II kabilang na sina Del Carmen Mayor Arlencita Navarro, Municipal Councilor Juanita Comon and Municipal Accountant Elena Jornales, ang narerekober ng mga awtoridad mula sa lumubog na MB Leonides II sa lalim na 316 talampakan.
Animnaput anim na pasahero na ang nailigtas habang 15 iba pa ang nanatiling nawawala matapos na itigil ng mga rescue diver ang paghahanap sa nabanggit na karagatan.
Ang mga labi ni Mayor Navarro ay nailibing na sa Navarro Beach Resort House sa Barangay Sayac, Del Carmen at maging ang mga labi ni Councilor Comon ay nailibing na rin kamakalawa (December 5).
Samantala, sinabi naman ng may-ari ng MB Leonida II na si Leonida Paredes na lahat ng pasaherong biktima ng lumubog na ferry boat ay nakaseguro ng P.2 milyon kada isa sa Manila-based insurance company na Utility Assurance Corporation. (Ben Serrano)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest