Bangkay ng mayor, 2 pa narekober sa lumubog na ferry
December 2, 2006 | 12:00am
SURIGAO CITY Makalipas ang ilang araw sa paghahanap ng mga nalalabing pasahero sa lumubog na ferry boat sa karagatang bahagi ng Punta Cili, Halian at Hinatuan Island ay natagpuan na rin sa wakas ang bangkay ni Del Carmen Mayor Arlencita Navarro at dalawa pang hindi kilala sa isinagawang retrieval operation ng mga tauhan ng Phil. Coast Guard kahapon ng umaga.
Base sa ulat ng Coast Guard, bandang alas-11:30 ng umaga nang marekober ng mga diver ang mga labi ng nasabing alkalde, Sherlyn Dantes, 21, ng Brgy. Bagacay, Del Carmen, Surigao del Norte at isa pang hindi nabatid ang pagkikilanlan na nasa loob ng MB Leonida II na lumubog noong Sabado, Nob 25.
Kinumpirma naman ni Lorelei Santiago na narekober na ang katawan ng kanyang ina na si Del Carmen Mayor Navarro kahapon ng umaga. "I am now with the Coast Guard boat and we are proceeding to Port of Surigao City, yes, mommys body was already round past 11 a.m. this morning" nakasaad sa text messages ni Santiago na 24-oras kasama sa retrieval operation.
Base sa salaysay ng isa sa 66-nakaligtas sa sea tragedy na si Delia Escauso, 52, nakita niya ang nasabing alkalde at si Municipal Councilor Juanita Comon na nakalutang at nagkukumahog na lumangoy sa tabi ng papalubog na ferry boat.
"Sinigawan ko sila na piliting lumangoy papalayo ng papalubog na bangka, subalit pasigaw na sinabi ni Mayor Navarro na mauna kana at iligtas ang aking sarili kaya iyon na lang ang huling pagkikita naming ni Navarro at Comon mula sa lumulubog na ferry boat," dagdag pa ni Escauso na isa sa malapit na alalay ng nasabing alkalde. (Ben Serrano)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest