^

Probinsiya

Ex-leader ng mga aktibista tinumba

-
CAMP CRAME — Niratrat hanggang sa mapatay ang isang 24-anyos na dating estudyanteng lider ng mga aktibista ng mga armadong kalalakihan sa isa na namang karahasang naganap sa Sugirao City, Surigao del Sur kamakalawa ng gabi. Ang biktimang naging secretary general ng Students Christian Movement of the Phils. Sa Butuan City noong 1998 hanggang 2003 ay nakilalang si Roderik Aspili.

Base sa tagapagsiyasat ng pulisya, naitala ang krimen dakong alas -6:35 ng gabi habang ang biktima kasama ang kanyang misis ay nanonood ng telebisyon sa sala ng kanilang tahanan sa Kilometer 11, Barangay Trinidad ng nabanggit na lungsod.

Napag-alamang walang kaabug-abog na pumasok ang mga armadong kalalakihan at sunud-sunod na pinaputukan ang nakaupong biktima. Hindi naman sinaktan ang misis ng biktima na nasa state of shock sa sinapit ng kanyang mister.

Sa record ng militanteng grupo, si Aspili ay ika-14 na biktima ng extra-judicial killing sa Caraga Region at ika-764 pinaslang na aktibista simula ng maluklok sa puwesto si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2001. (Joy Cantos)

ASPILI

BARANGAY TRINIDAD

CARAGA REGION

JOY CANTOS

NAPAG

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

RODERIK ASPILI

SA BUTUAN CITY

STUDENTS CHRISTIAN MOVEMENT OF THE PHILS

SUGIRAO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with