^

Probinsiya

P.5M nalimas sa warehouse ng SMB

-
CAVITE – Umaabot sa P.5 milyon ang natangay ng mga armadong kalalakihan matapos na pasukin ang bodega ng San Miguel Corporation sa Barangay Langkaang 2, Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng hapon.

Ayon kay P/Superintendent Mario Reyes, hepe ng Dasmariñas PNP, pinasok ng mga armadong kalalakihan ang opisina ng ADB Services, isang sub-contractor ng San Miguel Corporation sa Barangay Langkaan 2 ganap na ika-1:35 ng hapon.

Pawang nakasuot ng kulay itim na police uniform at vest nang pumasok sa warehouse sakay ng kulay itim na sports utility vehicle na may plakang RCC 866, ayon pa kay Reyes.

Sa isinagawang pagsisiyasat, nabigla ang nag-iisang security guard na si Christian Perez nang tutukan ng mga suspek na nagpakilalang mga pulis bago siya disarmahan at igapos.

Napag-alamang tinungo ng mga armadong lalaki ang itaas na bahagi ng warehouse at doon inabutan ang clerk na nakilalang si Danica Asis.

Ilang suspek ang naghahalughog sa naturang opisina at ang iba naman at tumayong lookout sa ibaba hanggang sa natagpuan ang vault kung saan nakuha ang P.5-milyon cash, ayon pa sa ulat.

Mabilis na nakatakas ang mga suspek patungo at kasalukuyang target ng buong puwersa ng Calabarzon PNP.

Sinisilip din ng mga awtoridad kung ang pumasok sa nabanggit na warehouse ay siya ring grupo na pumasok sa warehouse ng National Food Authority (NFA) sa Batangas City noong nakalipas na linggo. (Cristina Timbang at Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY LANGKAAN

BARANGAY LANGKAANG

BATANGAS CITY

CHRISTIAN PEREZ

CRISTINA TIMBANG

DANICA ASIS

DASMARI

SAN MIGUEL CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with