4 NPA rebels nadakma
November 21, 2006 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Apat na lider ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) na itinuturing ng militar na terorista ang nadakma sa isinagawang operasyon sa Barangay Macutal, Baras, Catanduanes, ayon sa ulat kahapon. Kasalukuyang sumasailalim sa interogasyon ang mga suspek na sina Sonny "Skylab" Chavez, Annaliza Tanegra, Marisa Tanael at Jessebel Tanael na nakumpiskahan ng mga armas, subersibong dokumento at personal na gamit.
Sa ulat na isinumite sa tagapagsalita ng Phil Army na si Major Ernesto Torres Jr., sinalakay ng Armys 65th Infantry Battalion sa pamumuno ni 2nd Lt. Eddamag ang safehouse ng mga rebelde makaraang makatanggap ng impormasyon. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest