^

Probinsiya

Provincial director pinasisibak sa jueteng!

-
CAMARINES NORTE – Dahilan sa hindi masugpong ilegal na sugal na jueteng sa Camarines Sur, hiniling ng gobernador sa lalawigan ang tuluyang pagpapatalsik sa kanilang Police provincial director matapos na hindi nito sundin ang kautusan ni PNP Chief Dir. Gen. Oscar Calderon na sugpuin at ipairal ang "one strike policy" laban sa jueteng.

Si Camarines Sur Gov. L-Ray Villafuerte ay nagpadala ng sulat sa Camp Crame upang hilingin ang pagpapatalsik kay P/Sr. Supt. Romeo Mapalo, PNP Provincial Director matapos na muling bumalik ang malawakang operasyon ng jueteng sa lalawigan ng Camarines Sur makaraan ang halos dalawang linggo na tumigil ang operasyon nito. Maging si Naga City Mayor Jesse M. Robredo ay dismayado na sa performance ni Mapalo laban sa nasabing sugal. Naging ningas-cogon lamang ang kampanya laban sa jueteng at pagkaraan ay muling bumalik ang operasyon nito. (Francis Elevado)

CAMARINES SUR

CAMP CRAME

CHIEF DIR

FRANCIS ELEVADO

L-RAY VILLAFUERTE

NAGA CITY MAYOR JESSE M

OSCAR CALDERON

PROVINCIAL DIRECTOR

ROMEO MAPALO

SI CAMARINES SUR GOV

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with