^

Probinsiya

Kabesa tinumba ng NPA

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 64-anyos na barangay captain ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa loob ng sariling tahanan ng biktima sa Barangay Malibas, Palanas, Masbate kahapon ng umaga. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Rodrigo Abejuela ng nabanggit na barangay. Napag-alamang nagkakape ang biktima kasama ang kanyang misis nang pumasok sa bahay ang mga rebelde na pawang kabataan. Nagmakaawa pa ang misis ng biktima, subalit hindi pinakinggan ng mga rebelde at isinagawa pa rin ang krimen. Pinaniniwalaang inakusahan ng mga rebelde ang biktima na nagbibigay ng impormasyon sa pulisya at militar sa ikinikilos ng makakaliwang kilusan kaya pinatahimik ang opisyal ng barangay. (Ed Casulla)
Tinedyer na Bumbay dinukot
CAMP CRAME — Kumana na naman ang kidnap-for-ransom gang makaraang dukutin ang isang 19-anyos na tinedyer na Bumbay sa bahagi ng Barangay Lomboy, La Paz, Tarlac kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Harpreet Singh ng Tarvet, Barangay San Rafael, Tarlac City. Batay sa ulat ng Tarlac provincial police office, naitala ang insidente ganap na alas-3:30 ng hapon matapos na harangin sa national highway ang biktimang sakay ng motorsiklo. Ang biktima ay isinakay sa kulay maroon na Besta van na may plakang PCW- 720 at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nakikipag-ugnayan sa pamilya ng biktima ang mga kidnaper. (Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY LOMBOY

BARANGAY MALIBAS

BARANGAY SAN RAFAEL

BIKTIMA

BUMBAY

ED CASULLA

JOY CANTOS

LA PAZ

LEGAZPI CITY

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with