2 patay sa nag-amok na sundalo
October 25, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Dalawa-katao kabilang ang isang sundalo ng Phil. Army ang iniulat na nasawi makaraang mag-amok ang kasamahan ng huli sa isang apartment sa Barangay Sta. Maria, Zamboanga City kamakalawa.
Sa ulat ni Captain Noel Abello, spokesman ng AFP-Western Mindanao Command, ang suspek ay isang dating kasapi ng Moro National Liberation Front (MILF) na na-integrate sa Philippine Army.
Gayon pa man, tumanggi munang tukuyin ang pangalan ng nasawing sundalo na nakatalaga sa Army Engineering Brigade dahil kailangan pang impormahan ang pamilya nito habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng napatay na sibilyan.
Ayon sa ulat, bandang alas-2:30 ng madaling-araw nang biglang sumulpot sa lugar ang nag-amok na sundalo at pinagbabaril ang dalawang biktimang natutulog sa naturang lugar.
"There is an investigation going on and we are awaiting the official reports about the attack. This could be related to family feud or an old grudge," pahayag ni Brig. Gen. Raymundo Ferrer, commander ng 1st Division ng Phil. Army. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest