^

Probinsiya

Naaagnas na lalaki, natagpuan sa silid

-
CAVITE – Nangangamoy na nang matagpuan ang naaagnas na bangkay ng isang 55-anyos na lalaki sa loob ng kanyang inuupahang kuwarto sa RLF Appartele sa Brgy. Ligas 2, Bacoor, lalawigang ito, kamakalawa.

Hindi pa mabatid ng mga awtoridad kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng biktimang si Danilo Escuadra alyas Dan, may-asawa, walang trabaho at residente ng nasabing appartele ng nabangit na barangay.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Dominador Fermil, may hawak ng kaso, ganap na ala-1:00 ng hapon nang matagpuan ang biktima dahil sa masangsang na amoy mula sa silid na inuupahan nito.

Kaagad na humingi ng tulong sa Bacoor PNP ang ilang residente dito upang mabuksan ang silid ng biktima at laking gulat ng mga ito nang makitang naaagnas na ang katawan ng mister habang nakahiga sa kama.

Kaagad namang dumating ang SOCO team at dinala sa Crime Laboratory ang bangkay.

Nabatid na hindi nakitaan ng anumang palatandaan na pinagnakawan ang biktima dahil sa walang nagalaw sa mga gamit nito sa kanyang silid.

Sinusuri na ng pulisya ang narekober na bangkay upang mabatid kung pinatay o namatay sa bangungot ang biktima.

Kasalukuyan na ring hinahanap ang mga kamag-anakan ng biktima kasabay ng masusing imbestigasyon hinggil sa tunay na ikinasawi nito. (Lolit Yamsuan)

vuukle comment

APPARTELE

BACOOR

BATAY

BRGY

CRIME LABORATORY

DANILO ESCUADRA

DOMINADOR FERMIL

KAAGAD

KASALUKUYAN

LOLIT YAMSUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with