11 pulis-Baliuag kakasuhan sa Ombudsman
October 11, 2006 | 12:00am
Inirekomenda na kahapon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasampa ng kasong kriminal sa Ombudsman laban sa 11-pulis na sangkot sa pagpatay sa apat na sibilyan sa isang videoke bar sa Baliuag Bulacan noong nakalipas na buwan (Setyembre 5, 2006)
Kabilang sa mga pulis na akusado ay sina P/Supt. Jolly Dizon, P/Insp. Florencia Morales, SPO3 Primo Ubaldo, PO1 Vincent Victor Villena, PO1 Oliver Ventura, PO1 Emilio Jalova, SPO2 Renato Cruz, PO3 Jose Camorongan, PO3 Radito Mampa, PO3 Marjorie Taruc at PO3 Victor Alberto na pawang nakatalaga sa Camp Gen. Alejo Santos sa Malolos City at Baliuag, Bulacan PNP.
Base sa isinumiteng ulat ng Special Task Force na pinamumunuan ni Arnel Dalumpines kay NBI Director Nestor Mantaring, nagkatugma-tugma ang salaysay ng mga kaanak ng biktima at mga testigo sa naganap na shootout sa Janels Videoke Bar sa Barangay Bagong Nayon noong Martes ng gabi (Sep. 5).
Napag-alamang idinamay sa pamamaril at napatay ang mga sibilyang sina Leovino Legaspi, Daniel Diosco, Renato Balajadio at Florentino Mallari, na ang target lamang ay ang dalawang suspek sa holdap na sina Danilo at Nori Simbulan na pinaniniwalaang miyembro ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (HMB).
Sa salaysay ni Rose Balajadia na kasama niya ang asawang si Renato Balajadia at anak na naghahapunan sa naturang bar at nang dumating ang mga pulis ay inutusan sila ng kanyang anak na lumabas habang naiwan naman ang kanyang mister.
Lumabas naman sa medico legal autopsy reports na karamihan sa tama ng bala ng baril sa mga biktimang hindi nakapanlaban ay pawang sa likurang bahagi at dibdib. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
9 hours ago
Recommended