^

Probinsiya

3 pekeng mamamahayag timbog

-
BALANGA CITY, Bataan – Tatlong sibilyang nagpakilalang mamamahayag ng lingguhang tabloid ang dinakip ng pulisya makaraang kotongan ang vice mayor ng Orani sa kapistahang ginanap sa Barangay Puksuan ng nabanggit na bayan sa Bataan kamakalawa.

Ang mga suspek na nagpakita pa ng kanilang press identification ay kinilala ni P/Senior Supt. Hernando Zafra, provincial director ng Bataan PNP, na sina Daniel Laxamana, 44, ng Balsik, Hermosa, Bataan; Gloria Hipolito, 52, ng San Vicente, Bacolor, Pampanga at si Rose Fulgencio, 42, ng Barangay Lagundi, Mexico, Pampanga.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, dakong alauna ng hapon nang dumating ang mga suspek sa tahanan ni Orani Vice Mayor Benjamin Serrano, Jr. sa naturang barangay.

Matapos na pakainin ni Serrrano ay inilabas ang kanilang naglalakihang press identification, saka kinompronta ang nabanggit na opisyal para manghingi ng P4,500 bawat isa.

Nagkahinala si Serrano kaya agad na tinawagan nito ang owner-publisher na si Freddie Yanco ng Night Life News sa Bonifacio Drive, Port area, Manila upang beripikahin, subalit itinanggi naman ni Yanco na konektado sa kanyang weekly newspaper ang tatlo at wala rin itong kinalaman sa kanilang ilegal na aktibidad.

Bunga nito, inatasan ni Serrano si SPO4 Antonio Capuli na arestuhin ang mga suspek at sampahan ng kasong estafa thru usurpation of fictitious qualification o extortion.

Nauna rito isa rin sa mga biktima ng tatlo ay si Bataan Sangguniang Panlalawigan Member Edgardo Calimbas at ilan pang mga opisyal at pulis ang kinotongan ng mga suspek. (Jonie Capalaran)

ANTONIO CAPULI

BARANGAY LAGUNDI

BARANGAY PUKSUAN

BATAAN SANGGUNIANG PANLALAWIGAN MEMBER EDGARDO CALIMBAS

DANIEL LAXAMANA

FREDDIE YANCO

GLORIA HIPOLITO

HERNANDO ZAFRA

JONIE CAPALARAN

NIGHT LIFE NEWS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with