^

Probinsiya

Gym instructor dinedo ng militar

-
MALOLOS CITY, Bulacan – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 30-anyos na gym instructor ng mga sundalo ng Phil. Army makaraang hindi huminto ang motorsiklong sinasakyan ng biktima sa Barangay Balayong, Malolos City, Bulacan noong Martes ng gabi.

Ang biktimang nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa katawan ay nakilalang si Dennis Novilla ng nabanggit na barangay.

Ayon sa tagapagsiyasat, bago maganap ang insidente, nag-away ang biktima at ang asawa nito, kaya’t umalis ito ng bahay at nakipag-inuman sa mga kaibigan.

Matapos makipag-inuman ay nakaaway at tinutukan ng baril ni Novilla si Ronald Marcelino sa hindi nabatid na dahilan.

Dahil dito, nagpasama si Marcelino sa kanyang mga kaibigan upang magreklamo sa kinauukulan, subalit habang patungo sa himpilan ng pulisya nakasalubong nila ang pangkat ng mga sundalo na nagsasagawa ng routine patrol kaya dito na sila nagsumbong.

Ayon kay Col. Gerard Velez ng 3rd Infantry Battalion ng Phil. Army, nasalubong ng kanyang mga tauhan si Novilla sakay ng motorsiklo kaya tinangkang parahin, subalit hindi huminto kaya’t nagpaputok sila ng warning shot.

Base sa salaysay ng mga sundalo, tumigil si Novilla may ilang dipa ang layo sa mga sundalo at akmang dudukot ng baril kaya inunahan ng mga kawal na paputukan. Nakarekober naman ang pulisya ng isang 9mm pistol mula kay Novilla. (Dino Balabo)

AYON

BARANGAY BALAYONG

BULACAN

DENNIS NOVILLA

DINO BALABO

GERARD VELEZ

INFANTRY BATTALION

MALOLOS CITY

NOVILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with