^

Probinsiya

Sarhento ng Army itinumba 

-
CAMP CRAME — Kalawit ni kamatayan ang sumalubong sa isang 35-anyos na sarhento ng Phil. Army makaraang pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na ikinasugat din ng dalawang iba pa sa Purok 5, Barangay Mainit, Nabunturan, Compostella Valley, ayon sa ulat kahapon. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Sgt. Ismael Cariaga ng 101st Brigade ng Philippine Army. Samantalang tinamaan ng ligaw na bala ng baril sina Arman Cariaga at Carlito Cabalog. Nabatid na kasalukuyang nag-uusap ang mga biktima sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang mga armadong rebelde na nagsibaba sa kabundukan at pagbabarilin ang mga ito. (Joy Cantos)
Bumbay, 2 pa hinoldap
BATAAN – Tatlo-katao kabilang ang isang Bumbay ang hinoldap sa kanilang tahanan ng tatlong armadong kalalakihan sa Barangay Saint Francis, Limay, Bataan kamakalawa ng gabi. Hindi na nakapalag kundi ibigay ang mga alahas at gamit ng mga biktimang sina Paramjit Singh, 27, tubong Punjab, India; Romela Limbog, 27 at Nancy Gumagtang, 27, tubong Sindangan, Zamboanga del Norte na kapwa dalaga at nakatira sa Barangay Cabcaben, Mariveles, Bataan. Napag-alamang nagpanggap na mga pulis ang mga suspek matapos na pumasok sa bahay ng mga biktima bago nilimas ang mga personal na gamit at hindi nabatid na malaking halaga. (Jonie Capalaran)
Kinidnap na paslit nailigtas 
CAMARINES NORTE – Nailigtas ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group at mga pulis-Vinzons ang isang 7-anyos na mag-aaral makaraang kidnapin ng isang 30-anyos na kinakasama ng ina ng biktima sa loob ng eskuwelahan sa Barangay Mangkawayan sa bayan ng Vinzons, Camarines Norte kamakalawa. Pormal na sinampahan ng kaukulang kaso habang nakapiit sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Rolly Sayat ng Purok 1, Barangay Pagsangahan, Basud, Camarines Norte. Ayon kay SPO4 Dante Macandangdang, ang suspek ay positibong itinuro ni Amor dela Cruz kaya agad na nasakote. Napag-alamang hiniwalayan ng ina ng biktima ang suspek kaya nagalit ito at upang makaganti ay dinukot ang paslit, subalit mabilis naman naresolba ang kidnapping. (Francis Elevado)
Mangingisdang wanted dakma
JOSE PANGANIBAN, Camarines Norte — Nagwakas ang apat na taong pagtatago sa batas ng isang 29-anyos na lalaking nagpanggap na mangingisda na may kasong murder makaraang masakote ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon ng Barangay San Lorenzo sa bayan ng Sta Elena, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Pinangunahan ni P/Insp. Victor Azuela, ang pag-aresto sa suspek na si Michael Zamudio ng Purok 1, Barangay San Lorenzo sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Sancho Dames ll ng Regional Trial Court, Branch 38 na may kasong murder (criminal case no. 11316). Ang suspek ay nagbebenta ng isda lulan ng isang bangka nang arestuhin ng pulisya. (Francis Elevado)

ARMAN CARIAGA

BARANGAY

BARANGAY CABCABEN

BARANGAY MAINIT

BARANGAY SAN LORENZO

CAMARINES NORTE

FRANCIS ELEVADO

PUROK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with