^

Probinsiya

450 kilong bomba nasabat

-
CAMP CRAME – Umaabot sa 450 kilo ng ammonium nitrate na itinuturing na sangkap pampasabog ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at Philippine Coast Guard sa isinagawang operasyon sa isang ferry boat na nakadaong sa pantalang sakop ng Zamboanga City kahapon ng umaga.

Sa ulat, dakong alas-6 ng umaga nang madiskubre ang siyam na sako ng ammonium nitrate habang nakakarga sa bangkang M/V Katrina.

Napag-alamang idineklara ng mga tripulante na mga pinatuyong isda ang laman ng mga sako, subali’t nang inspeksyunin ito ng mga awtoridad ay natuklasang ammonium nitrate.

Wala namang maipakitang dokumento ang mga tripulante na magpapatunay na legal ang kargamentong mga kemikal para sa pagbibiyahe.

Kaugnay nito, inimbitahan naman ang kapitan ng M/V Katrina at anim nitong tripulante sa himpilan ng pulisya sa Zamboanga City Station para isailalim sa masusing imbestigasyon.

Malaki ang posibilidad na pag-aari ng mga bandidong Abu Sayyaf ang nasabat na pampasabog. Nauna nang narekober ng militar ang sampung sako ng ammonium nitrate sa pantalan ng Patikul, Sulu may ilang linggo na rin ang nakalipas. (Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF

JOY CANTOS

KAUGNAY

MALAKI

NAPAG

PHILIPPINE COAST GUARD

V KATRINA

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA CITY STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with