2 GRO sinalpok ng kotse, dedo
September 17, 2006 | 12:00am
ANTIPOLO CITY, Rizal Hindi na sinikatan ng araw at kinarit ni kamatayan ang dalawang babae na pinaniniwalaang guest relation officer (GRO) matapos na salpukin ng kotse habang tumatawid sa kalsadang sakop ng Barangay Mayamot, Antipolo City kahapon ng madaling-araw.
Matinding pinsala sa ulo at halos malasog ang katawan ng mga biktimang sina Maricel Oitina, 24; at Marites Jatchon, 19; samantalang nasa kritkal naman kalagayan ang kasamahan nilang GRO na si Maritez, 19, na pawang namamasukan sa Kambingan KTV Bar at mga residente ng Barangay Malanday, Marikina City.
Ayon kay PO2 Carlo Tamondong, naitala ang sakuna dakong alas-3:30 ng madaling-araw habang tumatawid ang mga biktimang mula sa pinapasukang KTV bar sa kahabaan ng Marcos Highway ng nabanggit na lugar.
Imbes na huminto ng kotse para saklolohan ang mga biktima ay pinaharurot ng drayber at hindi nakuha ang numero ng plaka.
Isang taxi drayber naman ang nagmalasakit sa mga biktima na dalhin sa nabanggit na ospital, subalit hindi na naisalba ang buhay ng dalawa.
Narekober ng pulisya ang isang wasak na side mirror ng kotse na tanging ebidensya para makilala ang nakasagasa sa mga biktima. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest