^

Probinsiya

Duwelo: Magbayaw dedo

-
ANTIPOLO CITY, Rizal – Pinaniniwalaang nagkapikunan sa usaping politiko ang magbayaw kaya nagkasaksakan at nagkabarilan hanggang sa kapwa nasawi ang dalawa sa Barangay Mabugan, Antipolo City kamakalawa ng gabi.

Kapwa idineklarang patay sa Amang Rodriguez Medical Center ang mga biktimang sina Rene Borja, 24, welder; at Maximo Malinao, 34, kapwa naninirahan sa Josefina Subd. ng nabanggit na barangay.

Si Borja ay nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan, samantalang si Malinao naman ay tinamaan ng patalim sa kili-kili at dibdib.

Sa imbestigasyon ni PO2 Carlo Tamondong, naitala ang insidente ganap na alas-11 ng gabi sa bahay ng mga biktima habang magkasamang nag-iinuman ng alak.

Napag-alamang kapwa senglot ang dalawa nang magtalo sa isyung pulitika hanggang sa magkapikunan.

Agad na inundayan ng saksak ng patalim ni Borja si Malinao, subalit nagawang pagbabarilin si Borja kahit na duguan.

Tinangka pang isugod sa nasabing pagamutan ang magbayaw, subalit idineklara na ring patay ang mga ito ng mga doktor. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

ANTIPOLO CITY

BARANGAY MABUGAN

BORJA

CARLO TAMONDONG

EDWIN BALASA

JOSEFINA SUBD

MALINAO

MAXIMO MALINAO

RENE BORJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with