67 Hudas na NPA kinatay
September 9, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Pinagpapalo, pinagsasaksak at pinagtataga ang 67 biktima ng summary execution ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) na nahukay ang mga kalansay sa bayan ng Inopacan, Leyte kamakailan.
Ito ang inihayag kahapon ni PNP-Task Force USIG Chief Deputy Director General Avelino Razon Jr., base sa resulta ng post mortem examination ng PNP-Crime Laboratory sa Region 8 sa mga nahukay na kalansay ng mga biktima na isinailalim sa pagsusuri.
Tinukoy sa resulta ng pagsusuri na pinalakol, ginilitan sa leeg at iba pang hindi makataong pahirap ang dinanas ng mga biktima ng Oplan Ahos/Oplan Missing Link o ang brutal na pamamaslang sa mga pinaghihinalaang deep penetration agent (DPA) ng militar o kaya naman ay ang mga naghu-Hudas sa kanilang samahan.
Base sa testimonya ng mga testigo, karamihan sa mga biktima ay binabalatan nang buhay kung saan aabot sa 300 ang pinaslang sa kasagsagan ng Oplan Ahos/Missing Link noong dekada 80 hanggang 90.
Nabatid pa na isa lamang sa mga nahukay na kalansay ang nakilala ng pamilya base sa suot na damit at iba pang palatandaan sa katawan ng araw na mawala ito.
Kaugnay nito, inatasan ni PNP Chief Director General Oscar Calderon si Director Marcelo Ele Jr., Directorate for Investigation and Detective Management para isuperbisa ang imbestigasyon ng kaso.
Magugunita na ang nasabing mga kalansay ay nahukay ng tropa ng Armys 8th Infantry Division (ID) sa tinaguriang "The Garden" killing field ng mga rebelde sa Brgy. Kaulisihan, Inopacan, Leyte simula noong Agosto 26. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended