^

Probinsiya

1 patay, 1 sugatan sa Cavite drug bust

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Nauwi sa madugong sagupaan ang isinagawang buy-bust ng mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa mga drug dealer na ikinasawi ng isang civilian informer at ikinasugat naman ng isang pulis kamakalawa sa bayan ng Imus, Cavite.

Kinilala ni P/Supt. Raul Bargamento, Region 4 Director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang nasawi na si Gypson Dela Rosa, 36, ng Sta. Cruz, Laguna.

Sugatan naman si SPO1 Jesus Platon na isinugod sa Calamba Medical Center.

Kabilang sa nasakoteng suspek sa naganap na buy-bust sina Almario Narvaez, 53, ng Barangay Anabu 2E, Imus, Cavite at Rolando Lavarez, 43, ng Mercado Compound, Brgy. Platero, Biñan, Laguna, na kapwa miyembro ng notoryus na Sarno/Alindog/Myna Camaysa drug syndicate.

Base sa report, bandang alas-3:30 ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang grupo ng PDEA na pinangunahan ni P/Insp. Gregorio Caraig sa bahay ni Narvaez sa Imus, Cavite. Nakakuha ng sandaang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P.3 milyon at dalawang pirasong P500 marked money.

Pero bago pa maaresto ang mga suspek, nagawang makipagbarilan ng mga suspek hanggang sa mapatay si De Leon at masugatan naman si SPO1 Platon.Tinutugis naman ng PDEA ang apat pang suspek na sina Luisito Sarno, Lydia Alindog, Myna Camaysa at isang nakilala lamang na Otik.

Nakumpiska ang isang US-Browning cal. 30 machine gun, isang shotgun, isang carbine, isang cal. 33-rifle, mga granada, at iba’t ibang uri ng bala ng baril. (Arnell Ozaeta, Cristina Timbang, Ed Amoroso at Lolit Yamsuan)

vuukle comment

ALMARIO NARVAEZ

ARNELL OZAETA

BARANGAY ANABU

CALAMBA MEDICAL CENTER

CAVITE

CRISTINA TIMBANG

DE LEON

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ED AMOROSO

GREGORIO CARAIG

MYNA CAMAYSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with