^

Probinsiya

2-anyos ni-rape ng 18-anyos

-
CAMP CRAME – Masaklap ang sinapit ng isang 2-anyos na batang babae matapos halayin ng kanilang 18-anyos na kapitbahay habang nag-iisa sa kanilang tahanan ng kanyang ina sa bayan ng Murcia, Negros Occidental kamakalawa. Sa pagsusuri ng Women and Children Concern’s Desk (WCCD), nakitaan ng lacerations ang bata sa kanyang kaselanan at bakas ng dugo sa puwet nito. Ayon kay PO1 Nancy De Niro, naiwang nag-iisa ang bata sa kanilang tahanan sa bayan ng Murcia nang pagsamantalahan ito ng kanilang 18-anyos na kapitbahay na pansamantalang itinago ang pagkakakilanlan. Naiwan ang bata na mag-isa at sinamantala naman ng suspek. Pagbalik ng ina ng bata, nakita na lamang nito ang anak na paslit na umiiyak at dumudugo na ang kaselanan nito. (Joy Cantos)
6 na classrooms, naabo
PAMPANGA – Umaabot sa halagang 4.5 milyong piso ng anim na classrooms ang naabo sa naganap na sunog ng East Elementary school sa Floridablanca ng lalawigang ito. Sa report ng Florida Municipal Bureau of Fire, naganap ang sunog bandang alas-12:50 ng hatinggabi. Ang sanhi ng sunog ay galing sa faulty wiring na matatagpuan sa gusali ng Gabaldon letter (B). Posible umanong mahina ang electrical wiring at may kalumaan na ang mga ito kung kaya maaring pinagmulan ito na makalikha ng sunog, ayon pa sa mga imbestigador ng bumbero. Karamihan sa mga classrooms na naabo o natupok ay pinagpaaaralan ng grade 4 student na kung saan ay wala namang iniulat na nasugatan. Naapula apoy ng mga pamatay-sunog matapos ang 40 minuto. (Resty Salvador)
2 obrero dinos-por-dos, inatado
CAVITE – Dead-on-the-spot ang dalawang obrero matapos na paghahatawin ng dos-por-dos at pagsasaksakin ng mga kasamahan nito sa trabaho habang nag-iinuman sa Brgy. Mambog, Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi. Patay na ng datnan ni Chief Insp. Alex Borja ng Bacoor Police ang mga biktima na tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan na sina Reynante Nacua, 24, binata tubong Zamboanga del Sur at residente ng Malagasang 2, Imus, Cavite at isang nakilala lamang sa pangalang Francis Biazon residente ng Binakayan, Kawit, Cavite. Naaresto naman ang suspek na si Jimmy Belarmino Pitugo, 39, binata at residente ng B-2 Bitas St. Tondo, Manila habang nakatakas ang kasamang si Rodel Medina. Dakong alas-11:30 ng gabi habang nag-iinuman ang magkakasama sa trabaho ang biktima at suspek nang sila ay magtalu-talo hanggang sa magrambulan. Pinagpapalo ng matigas na kahoy at pinagsasaksak ang mga biktima ng mga suspek hanggang sa malagutan ng hininga. (Cristina Go Timbang)
3 ‘Cat Eye Gang’ timbog
BATAAN – Tatlong pinaniniwalaang "Cat Eye Gang" member na nag-ooperate sa lalawigan ng Bataan ang dinakip ng mga kagawad ng Pilar Police Station matapos na maaktuhang ninanakaw ang mga reflector na nakakabit sa gitna ng lansangan sa Governor Linao Highway, Barangay Ala-Uli, bayan ng Pilar sa lalawigan. Arestado ang mga suspek na sina Jhon Garcia, 18, ng Barangay Ala-Uli Pilar; Richard Valencia, 44, ng Brgy. Capitangan Abucay at Christopher de Leon, 30, ng Bagumbayan Balanga City. Habang nagpapatrulya ang mga pulis dakong ala-1:00 ng madaling-araw ay naispatan nila ang mga suspek na nakaupo sa gitna ng daan at nang kanilang lapitan ay huling-huli ang mga ito na binabaklas ang mga warning device o reflector. (Jonie Capalaran)

vuukle comment

ALEX BORJA

BACOOR POLICE

BAGUMBAYAN BALANGA CITY

BARANGAY ALA-ULI

BARANGAY ALA-ULI PILAR

BITAS ST. TONDO

CAT EYE GANG

CAVITE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with