ABC-5 Van Hulog Sa Bangin: Reporter, 2 pang crew patay!
August 14, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Patay ang senior reporter at dalawa pang crew ng ABC-5 television network makaraang aksidenteng mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang service van nang kanilang iwasan ang kasalubong na pampasaherong bus kahapon ng hapon sa Pamplona, Camarines Sur.
Kinilala ang mga biktima na sina Hazel Recheta, mga cameramen at driver nitong sina Ismael Cabugayan at Arnel Guiao na pawang agad na binawian ng buhay sa insidente.
Sa inisyal na ulat ng Pamplona Police, naganap ang insidente sa highway ng Brgy. del Rosario ng nasabing bayan dakong alas-5 ng hapon.
Nabatid na tinangkang iwasan ng driver ni Recheta ang kasalubong nitong pampasaherong Raymund bus subalit nasalpok pa rin ng kanilang mobile car.
Sa lakas ng pagkakasalpok at sa dulas ng daanan ay tumilapon ang sasakyan nina Recheta hanggang sa mahulog ito sa matarik na bangin sanhi ng kanilang kamatayan.
Ang mga biktima ay pabalik na sa Maynila mula Albay matapos ang coverage sa nag-aalborotong bulkang Mayon na pinangangambahang malapit nang sumabog upang magparelyebo sa mga kasamahan sa naturang television station nang maganap ang trahedya. (Joy Cantos At Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
17 hours ago
Recommended