^

Probinsiya

Konsehal nag-suicide

-
SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Isang konsehal ng barangay na pinaniniwalaang tumatangkilik sa ipinaglalaban ng rebeldeng New People’s Army, ang piniling magpakamatay na lamang kaysa isuko nito ang sariling baril sa militar sa Barangay Manicla, San Jose City, Nueva Ecija kamakalawa.

Si Rolando Senangelo na nagtamo sa tama ng bala ng baril sa kanang sentido ay sasamahan sana ng kanyang utol na isuko ang sariling baril sa militar.

Ayon kay P/Chief Superintendent Peter D. Guibong, hepe ng pulisya sa nabanggit na lungsod, tatlong oras bago maganap ang insidente ay sumailalim sa tactical interrogation ng militar ang biktima dahil ang pangalan nito ay nakatalang supporter ng NPA.

Napag-alamang pinauwi ng militar ang biktima upang isuko ang baril subalit minabuti nitong magbaril sa sarili kaysa mapasakamay ng militar ang pag-aaring baril.

Bago ang insidente ay isinalaysay ng biktima sa kanyang mga kaanak na tinortyur siya ng mga sundalo. Dahil sa takot ay hindi nagawang magsampa ng reklamo ang pamilya nito sa kinauukulan sa takot na madamay. (Christian Ryan Sta. Ana)

AYON

BARANGAY MANICLA

CHIEF SUPERINTENDENT PETER D

CHRISTIAN RYAN STA

DAHIL

GUIBONG

NEW PEOPLE

NUEVA ECIJA

SAN JOSE CITY

SI ROLANDO SENANGELO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with