^

Probinsiya

10,000 pang residente inilikas

-
CAMP AGUINALDO – Karagdagang 10,000 residente ang ipinamamadaling ilikas sa loob ng pinalawak na eight-kilometer permanent danger zone sa palibot ng Mayon volcano sa Albay na nagbabadyang sumabog anumang oras nagayon.

Ayon kay Rabonza, aabot sa 24,000 pa lamang mula sa kabuuang 34,000 residente mula sa 20 barangay sa eight-kilometer danger zone ang naililikas ng Task Force Mayon at ng iba pang binuong rescue team ng pamahalaan sa Albay.

Ang mga ililikas pang residente ay mula sa mga lungsod ng Legazpi, Ligao at Tabaco; mga bayan ng Daraga, Camalig, Malilipot, Guinobatan at Sto. Domingo.

Aabot sa 80 military trucks ng Task Force Mayon sa ilalim ng pamumuno ni Brig. Gen. Arsenio Arugay, ang pinakilos para tumulong sa paglilikas sa mga residente partikular na sa mga ayaw pang magsilikas sa kanilang tahanan.

"May sapat na supply ng gamot, malinis na tubig at gamot para sa mga evacuees na tatagal ng sampung araw," dagdag pa ni Rabonza.

Ayon naman kay Defense Secretary Avelino Cruz Jr., may nakalaan ding mga supply ng relief goods ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH) na maaaring gamitin sakaling kapusin ng stocks para sa mga nagsilikas na residente. (Joy Cantos at Ed Casulla)

vuukle comment

ALBAY

ARSENIO ARUGAY

AYON

DEFENSE SECRETARY AVELINO CRUZ JR.

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

ED CASULLA

JOY CANTOS

RABONZA

TASK FORCE MAYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with