Mayon sasabog na
August 8, 2006 | 12:00am
LEGAZPI CITY Anumang oras ay sasabog at dadagundong ang tunay na kulay ng Mayon volcano kaya naman ipinag-utos ng pamahalaan na ilikas na ang residente na naninirahan sa palibot ng nabanggit na bulkan makaraang itaas sa alert level 4 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs) kahapon ng umaga.
Sa emergency press briefing ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) sa Camp Aguinaldo, sinabi ni PHILVOCS Director Renato Solidum na ang alert level 4 ay ang pinakamataas na alerto na kanilang ipinalabas na nangangahulugan na magaganap na ang malakas at mapanganib na pagsabog ng Mayon anumang oras o araw mula ngayon.
Ang paglikas ng 34,000 residente na sakop ng anim hanggang pitong kilometro na permanent danger zone mula sa pinalawig na 8 kilometro PDZ na may kabuuang 39,791 residente ay inirekomenda ni Dr. Ernesto Corpuz, hepe ng Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division ng Philvocs.
Ayon kay Corpuz, kahapon ay naitala ang anim na maliliit na pagsabog at nagbuga ng abo na may taas na 500 hanggang 800 metro na ang ibig pakahulugan ay sasambulat ang Mayon anumang oras.
Sakaling sumabog ang Mayon ay itataas na sa alert level 5 kaya aabot sa 13, 870 pamilya (74,069 katao) ang ililikas na sasaklawin ng 10 kilometer radius PDZ mula sa 40 barangay sa tatlong lungsod at limang munisipalidad sa Albay, ayon sa Philvocs.
Sinabi naman ni NDCC Chairman at Defense Secretary Avelino Cruz Jr., kabilang sa maapektuhan lugar ay ang mga Barangay Anoling, Tinuburan, Sua, Upper Quirangay, Salugan at Upper Cabangan sa bayan ng Camalig, samantalang sa bayan ng Daraga ay ang mga Barangay Miisi, Budiao, Matnog at Bañadero habang sa Legaspi City ay ang mga Barangay Mabinit, Bonga, Matanag at Buyuan.
Kabilang din ang mga Barangay Baligang, Bonot, Magapo at Oson sa Ligao City, Barangay Buhian at Comon sa Tabaco, mga Barangay Canaway, Calbayog at ilang bahagi ng San Roque sa Malilipot, mga Barangay Lidong, Fidel Surtida, San Isidro, Sta. Misericordia at San Antonio sa bayan naman ng Sto. Domingo.
Ayon sa ulat, aabot sa P240 milyong pondo ang inilaan ng pamahalaan sa 32 hanggang 34 evacuation center na posibleng akupahan ng aabot sa 50,000 residente sa Albay.
Base rekord, ang Mayon ay kabilang sa 22 aktibong bulkan sa bansa na may 47 beses sumabog at ang pinakagrabe ay noong 1814 na naglibing sa buong bayan ng Cagsawa na ikinasawi ng aabot sa 1,200-katao at sinundan noong 1993 na kumitil ng 79 residente. (Ed Casulla, Joy Cantos at Angie Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended